Sofitel Philippine Plaza Manila - Luxury hotel - Le Spa

Le Spa

Ang Le Spa ay isang santuwaryo ng pangkalahatang kalusugan na lalong pinainam ng elegansya ng Prances at giliw ng Pilipino. Ito ay tiyak na pupukaw sa katawan, isipan at kalooban at magbibigay ng hirang na kalingang pangkalusugan. Dito ay natatampok ang dalisay na mga lunas na hango sa tradisyonal na silangan o makabagong kanluran. Bukod dito, ang Le Spa ay tahanan din sa sinaunang kasanayan ng paggamot ng mga Pilipino–ang sikreto ng Hilot.

Sa Le Spa, mainam na pinagsama ang mga likas na elemento tulad ng mga kabibe, punong kahoy, at luad mula sa Pilipinas at ang makabagong mga kagamitan para sa marangyang pangkabuohang pagkalinga. Natatampok dito ang malawak na lounge, dry and wet sauna, foot massage area, 9 na treatment suites (kabilang rito ang duo suite na may malaking bath tub), at spa suite na may pinakabagong Trautwein Crystal Bath at sundeck. Dito ay tiyak na makakamtan ang di malilimutang kapahingahan upang manumbalik ang lakas at sigla.

Information

Open daily from 8am to 12 midnight.
Phone: 551 5555 Ext 1588/1587

Le Spa Menu

Kayo ay inaanyayahan ng Le Spa at Sofitel Philippine Plaza Manila sa Spa Suites para sa hindi malilimutang sandali ng natatanging pagkalinga.

Le Spa Menu

Book
Sofitel Philippine Plaza Manila
Book your stay

From   to

Room 1